semana santa
semana santa na.. sa totoo lang, holy tuesday ngayon hindi ba? pero bakit kaya hindi ko maramdaman.. parang noong paskong hindi maramdaman ang kasayahan.. ano nga ba ang gusto kong maramdaman?
hindi ko alam..
paminsan hindi ko nga malaman kung may nararamdaman pa ako. pathetic ba.. pero totoo naman.. kunsabagay galak na galak ako pag nagpapatawa at naglalambing ang anak ko.. nasasayahan din naman ako tuwing dumarating ang sahod ko mula sa banyaga kong amo. masaya rin ako pag naririnig ko ang boses ng mga kapatid ko mula sa ibang bansa. may nararamdaman din naman akong magaan at kapayapaan pag nakikita kong masaya ang mag-ama ko sampu na ang aking mga magulang at mga kapatid na andito. tuwing mayroong mga proyektong magandang dumarating, excited naman akong tumatawag pa sa aking kaibigan upang ibalita kahit na dis-oras na ng gabi, kesehodang mayroong pribadong ginagawa ang babaeng ito sa mga panahong mga ito.. nakakaramdam din naman ako ng sakit. ng pait. ng pighati.
ano nga ba ang gusto kong maramdaman para sumaya ako..
napakadami ko namang gustong mangyari para sumaya. hindi kaya pwedeng sumaya na lang akong basta? ano pa ba ang hinahanap ko.. masaya naman kami ng asawa ko't anak. maayos naman ang aming hanapbuhay. malulusog pa at masaya rin naman ang buhay ng aking mga magulang pati na rin ang aking mga kapatid. parati namang parang masaya ako, bakit ba gusto ko pang sumaya ng mas parati. hindi na ba ako makukuntento kahit kailan? ano ba?
hindi ko alam. basta alam kong mayroong kulang na hindi ko nararamdaman.
oo maarte na kung maarte. pero hindi siguro ako matatahimik hangga't hindi ko nahahanap itong natatanging bagay o pakiramdam na ito. sa kabila ng napakaraming magagandang bagay na nangyayari sa aking buhay, ano ba itong di ko maipaliwanag na hinahanap hanap ko na parang nag-iiwan ng patla sa aking pagkatao.
dahil ba semana santa kaya bigla kong naisipang magnilay nilay?
hindi ko talaga alam. mashado pa akong maraming ginagawa ngayon para pag-isipan itong mga bagay na ito. sana nitong mga darating na araw ay magkaroon ako ng pagkakataon na pag-isipan kung saan ko ba hahanapin ang sagot sa tanong o kawalan na matagal nang bumabagabag sa akin. sana sa semana santang ito, magkaroon din ako ng pagkakataon na magnilay nilay ng tunay, at balikan ang nilalaman ng isip at puso ko. baka sakaling naroon lang pala ang hinahanap ko. leche..

<< back to this spaceship's home